Nakatakdang isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law sa Lunes, Hulyo 17.
Ito ang ipinabatid ni Mohagher Iqbal, Chief Peace Negotiator ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Inaasahang ise-certify bilang urgent ni Pangulong Duterte ang proposed BBL, kasabay ng kanyang State of the Nation Address o SONA sa Hulyo 24.
By Meann Tanbio
*Palace Photo