Nakatakda nang isumite ng mga economic manager ng gobyerno kay Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng executive order na layuning mapahupa ang inflation rate.
Layunin ng panukala na alisin ang “administrative constraints at non-tariff barriers” sa importasyon ng bigas, karne, asukal, sugar at gulay.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagbigay na ng kani-kanilang proposal ang mga economic manager sa cabinet meeting sa Malacañang noong Martes.
Kabilang na rito ang pagpapabilis at pagsasaayos ng importation at pag-release sa mga pamilihan ng mga basic food item.
Magugunitang umabot sa 6.4 percent ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Agosto batay sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
—-