Pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng Freedom of Information (FOI).
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ito ang dahilan kayat naantala ang pagpapalabas ng executive order ng Palasyo ukol dito.
Tiniyak naman ni Andanar na sa susunod na linggo ay pirmado na ito ng Pangulong Duterte at tuluyan nang maipatutupad.
Kasabay nito, nilinaw ni Andanar na ang EO ukol sa FOI ay para lamang sa mga ahensyang nasa ilalim ng ehekutibo.
Bahagi ng pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar
By Ralph Obina | Karambola
Photo Credit: Malacañang Photo Bureau