Pinapapalitan ng NAPC o National Anti Poverty Commission ang draft ng IRR o Implementing Rules and Regulations ng Universal Health Care Law na inilabas ng Philhealth.
Ayon kay Amy Decena ng NAPC, madami ang hindi sumasang ayon sa draft ng IRR ng universal philhealth for persons with disability tulad ng paggamit ng online registration para sa pagpili ng mga kukuning beneficiary.
Sinabi ni Decena na paano na lang ang mga PWDs na nasa liblib na mga lugar at hindi makakapag online registration.
Dapat aniyang ma enjoy ng lahat ng mga PWD beneficiaries ang naturang batas dahil ito ay nakalaan para sa kanila.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Decena ang isasagawang konsultasyon sa pagitan ng DSWD at DOH na kapwa magbibigay ng ID para sa mga pasadong beneficiaries.
Sinabi pa ni Decena na kailangang may certified ang mga doktor lalo na ang mga magiging beneficiary na nagkaroon ng sakit na dahilan ng kanilang kapansanan at hindi lahat ng mga nagkaroon ng sakit tulad ng nabulag dahil sa diabetes ay hindi na kayang buhayin ang sarili.
Dahil dito, may 15 araw ang Philhealth para palitan ang nasabing IRR bago ito isapinal.