Arestado ang isang driver matapos masangkot sa vote buying sa Barangay Upper Bicutan sa Taguig City.
Nakilala ang suspek na si Teofilo Banares Jr.
Ayon sa pulisya, nag-aalok ng isang libong piso si Banares para iboto si Primo Quinsio na tumatakbong barangay councilor.
Isang Reynaldo Tumaca ang nagreklamo kay Banares matapos umano siyang alukin ng pera ng suspek.
Nahaharap si Banares sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code.