Sinampahan na ng kaso ang drayber ng Partas bus na nakasalpukan ng isang jeep na ikinasawi ng dalawampu (20) katao sa Agoo, La Union noong mismong araw ng Pasko.
Reckless imprudence resulting in multiple homicide ang isinampang kaso laban sa kuwarenta’y tres (43) anyos na tsuper ng naturang bus na kinilalang si Rodel Sadac.
Batay sa paunang imbestigasyon, nag–overtake ang jeepn sa sinusundan nitong sasakyan kaya ito sumalpok sa kasalubong na Partas bus dakong 3:30 ng umaga.
Patungo sana sa Minor Basilica of our Lady of Manaoag sa Pangasinan ang pasahero ng jeep na sinasabing mula sa Bauang, La Union nang mangyari ang aksidente.
Una ng pinatawan ng LTFRB ng 30 – day preventive suspension order ang pitong (7) bus unit ng Partas matapos mabigo ang bus company na magsumite ng dash cam footage at GPS tracking data ng naganap na salpukan.