Sinampahan na ng kasong frustrated homicide ang driver ng SUV na nakasagasa sa isang security guard malapit sa isang mall sa Mandaluyong City noong Hunyo.
Pormal na inirekomenda ng Mandaluyong City Prosecutor’s Office ang pagsampa ng nasabing kaso laban kay Jose Sanvicente, sa isang resolusyon na may petsang Hunyo a-29.
Ibinasura naman ang isa pang kaso ni Sanvicente sa pag-abandona sa biktima dahil lack of probable cause.
Inihain ng Mandaluyong City Police ang nasabing mga inisyal na reklamo laban kay Sanvicente noong Hunyo a-sais, isang araw matapos mag-viral sa social media ang video ng kanyang pagsagasa sa security guard na si Christian Joseph Floralde.
Nabatid na una nang binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Sanvicente at tuluyan na itong pinagbawalan na kumuha ng panibagong lisensya at magmaneho ng sasakyan.