Magsisimula na sa susunod na linggo ang dredging activity sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito.
Ayon kay DWPH Secretary Mark Villar, hinihintay na lamang ang magiging resulta ng bathymetric o depth measurement survey at ocular inspection na ginawa ng Bureau of Equipment sa Manila Bay at Navotas River.
Aniya, ang paghuhukay ang pangunahing paraan upang matanggal ang mga burak sa Manila Bay habang ang bathymetric survey naman ay kailangan upang mabatid ang dami ng mga dapat malinis.
Magkakaroon ng tatlong dredging sites na matatagpuan sa Navotas River, Estero De Vitas sa Tondo, Maynila at ang paikot ng Manila Bay mula Manila Yacht Club Breakwater hanggang sa US Embassy.