Sinimulan ang dredging operations o paghuhukay sa Manila Bay bilang bahagi ng malawakang rehabilitation project.
Sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), katuwang ang Public Works and Highways, 28 equipment ang idineploy para maghukay.
Sinimulan ang dredging operation sa layong 50 metro mula sa Baywalk Area o mula sa US Embassy hanggang sa Manila Yacht Club.
Nasa 50 personnel naman mula sa DPWH ang nakatutok sa operasyon na pinondohan ng isang bilyong piso.
Inaasahang aabot sa 50 hanggang 100 truck ng basura ang makokolekta kada araw sa nagpapatuloy na dredging operation.
—-