Patuloy na isinasagawa ng pamahalaang lokal ng Marikina ang dredging operation sa mga daluyan ng tubig sa kanilang lugar.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, nakatutok sila ngayon sa paglilinis at paghuhukay sa Marikina river at mga kanal sa tulong narin ng mga excavator upang maiwasan ang malawakang pagbaha katulad ng nangyari sa Banaue, Ifugao na kilalang mataas na lugar.
Sa ngayon aabot na sa 90 meters ang inilapad ng Marikina River mula sa dating 70 meters, habang ang lalim naman ay nasa 21 meters na mula sa dating 18 meters lamang.