Aminado si Senator Franklin Drilon na isa siya sa mga bumoto para maisabatas ang Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Ayon kay Drilon, hindi niya inaasahan na magiging kontrobersyal at masama ang implikasyon ng section 3 ng naturang batas.
Batay anya sa section 3 ng GCTA Law, kwalipikado sa good conduct credit ang mga sinentensiyahan at nakapiit kahit saang kulungan.
Pero nilinaw ng senador na hindi maaring bigyan ng good conduct credit ang mga recidivists, escapees, habitual delinquents at mga hinatulan dahil sa heinous crimes batay sa section 1 ng nasabing batas.
Tiniyak naman ng mambabatas na patuloy parin ang imbestigasyon kaugnay sa maanomalya umanong pagpapatupad ng GCTA Law.