Duda si Senate Minority Leader Franklin Drilon na handa na ang Pilipinas na pangasiwaan ang programa sa bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), oras na maging available na ito.
Ayon kay Drilon, ito ay dahil hindi sasapat ang inilaang P2.4 billion na pondo para sa COVID-19 vaccine sa ilalim ng proposed P4.5 trillion pesos 2021 national budget.
Aniya, mismong DOH na ang nagsabing kukulangin sila ng P10 bilyong mula sa inilalaang pondo para sa bakuna kontra COVID-19.
Dagdag pa ni Drilon, suportado niya ang direksyon ng polisiya ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. hinggil sa pagbili ng bakuna sakaling maging available na ito sa susunod na taon.
Gayunman, hindi aniya ito maisasakatuparan kung kulang ang inilaang pondo para sa pagbili, distribusyon at pangangasiwan ng pontensiyal na COVID-19 vaccine.
Maliban pa rito, sinabi ni Drilon na walang ring matibay na plano hinggil sa pamamahagi ng bakuna sakaling makabili sa susunod na taon.