Hinamon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Presidential Spokesperson Harry Roque na kasuhan ang mga sinasabing miyembro ng Liberal Party (LP) na sangkot sa umano’y Red October plot laban sa administrasyong Duterte.
Ito’y matapos igiit ni Roque na may LP members ang nakikipag alyansa sa Communist Party of the Phillippines (CPP) upang patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Drilon mismong pinuno na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naglinis sa LP sa pagkakadawit nito sa nasabing destabilasasyon ngunit patuloy pa rin ang pangdadawit ni Roque sa nasabing partido.
Dahil dito, sinabi ni Drilon na kung talagang may nalalaman si Roque kaugnay sa pagkakasangkot ng LP, dapat umanong niyang kasuhan ang mga sinasabi nitong miyembro ng naturang partido.