Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang DOH na bumili na rin ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga bata.
Ito’y matapos mapabilang na rin ang mga bata sa nagpopositibo sa COVID-19.
Sakto lang aniya kung mag o-order na ang gobyerno ngayon ng bakuna para sa mga bata dahil tatakbo pa ito ng ilang buwan para sa proseso at bago ma-ideliver sa bansa.
Giit ni Drilon, kung hindi pa ito gagawin ngayon ay baka maubusan ng suplay ng bakuna ang bansa para sa mga bata at saka tayo magkukumahog na bumili kung kailan kailangan na kailangan na.