Sa halip na isulong ng Malakanyang ang panukalang dagdag na buwis sa produktong petrolyo, hinimok ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon ang mga Economic Manager ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang pagrepaso at rationalization sa mga fiscal incentive na ipinagkakaloob sa mga negosyo.
Ayon kay Drilon, dapat suportahan ng Department of Budget and Management, Department of Finance, at Department of Trade and Industry ang rationalization ng tax incentives para pagkunan ng dagdag na revenue at magiging pambawi sa magiging foregone revenue kapag ibinaba ang income at corporate tax rate.
Idinagdag pa ni Drilon na kung ang hangarin ay mapataas ang revenue ng gobyerno, dapat busisiin ang iba’t ibang batas na nagkakaloob ng insentibo at lutasin ang leakages sa tax system.
Si Drilon ay may-akda ng Senate Bill Number 229 na naglalayong repasuhin ang sistema ng gobyerno sa pagkakaloob ng tax incentives sa mga negosyo.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno