Pinayuhan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ang desisyon nitong huwag makiisa sa imbestigasyon ng International Criminal Court.
Ayon kay Drilon, malalagay sa alanganin ang mismong mga abogado ng Pangulo kapag nagmatigas itong huwag makiisa sakaling ilarga na ang imbestigasyon.
Giit ng Senador, hindi mapipigilan ng Pangulo ang ICC sa pag-iimbestiga nito kahit pa mariin ang kaniyang pagtutol na makiisa rito.
Kaya naman payo ni Drilon sa Pangulo, sumalang na lang sa imbestigasyon upang maipagtanggol nito ang kaniyang sarili dahil wala aniya siyang choice kung hindi gawin ito.—ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)