Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na pataasin ang standards nito sa mga bibilhing bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Drilon, kailangan aniyang masigurong mataas ang efficacy rate ng mga bibilhing bakuna upang masulit ng publiko ang serbisyo ng gobyerno.
Binigyang diin pa ng senador na hindi pupuwede ang “puwede na” lalo na kung buhay at kaligtasan ng mga pilipino ang nakataya.
Kailangang bilhin ng pamahalaan ang pinaka-epektibong bakuna kontra COVID-19 upang mabilis na maabot ang herd immunity at magbalik na sa normal ang buhay ng bawat pilipino.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)