Inihirit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na taasan ang pondo ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 2021.
Ayon kay Drilon, ito’y upang mapaigting ang kapasidad ng dalawang ahensya na tumugon sa COVID-19 pandemic, gayundin sa pangangailangan ng mga mahihirap na Pilipino.
Mahalaga rin aniyang maisama pa rin ang special amelioration program (SAP) sa pambansang badyet para sa susunod na taon.
Binigyang diin pa ni Drilon na ang panukalang P4.5 trillion na national budget ay hindi makatutugon sa hinaharap na pandemya ng bansa