Mga hakbang sa pagtupad ng pangako ang inaasahan ni outgoing Senate President Franklin Drilon na marinig sa kauna-unahang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 25.
Partikular na tinukoy ng senador ang mga hakbang kung paano maiibsan ang problema ng trapiko lalo na sa Metro Manila gayundin ay mabigyang katuwiran ng Pangulo ang hinihingi nitong emergency powers.
Maliban sa trapiko, sinabi ni Drilon na nais niya ring marinig sa unang SONA ng Pangulo ang mga hakbang nito sa pagsusulong ng Charter Change para sa pederalismo at ang mga balak nito sa usapin ng political dynasty.
Magandang pagkakataon na rin para sa Pangulo ayon kay Drilon ang mailatag ang mga plano nito hinggil sa pagtataas ng suweldo para sa mga kawani ng pamahalaan.
Sa huli, inaasahan din ni Drilon na marinig sa Pangulo kung paano makatutulong ang Kongreso para makamit ang kanyang inilatag na 10-point agenda.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)