Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang paulit-ulit na pagkaantala ng pagdating bakuna sa bansa.
Ayon kay Drilon, hanggang ngayon ay wala pa ring dumarating na COVID-19 vaccine sa bansa samantalang nagbabakuna na sa anim na bansa sa southeast asia gaya ng Singapore, Indonesia, Cambodia, Vietnam, Laos at Myanmar.
Paalala ng senador, sa bawat araw na walang bakuna, nariyan ang panganib na kumalat ang virus at lalo nang magtatagal ang pagbangon ng ekonomiya.
Sinabi naman ni Sen. Sonny Anggara, sponsor ng panukalang Vaccine Program Act na inamin ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na hanggang ngayon ay wala pang deal na supply agreement para sa covid vaccines.
Term sheet pa lang aniya ang kanilang napipirmahan at hanggang sa katapusan daw ng Pebrero maaaring may ilan na malalagdaan na supply agreement.
May ilang manufacturers daw na kundisyon na magkaroon ang bansa ng Indemnification Law kung saan inaako ng gobyerno ang danyos sa magkaka adverse effect sa bakuna