Positibo si Senate President Franklin Drilon na si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas pa rin ang mamanukin ni Pangulong Noynoy Aquino para sa 2016 Presidential elections.
Ito ay kahit pa nananatiling mababa ang ranking ni Roxas sa mga Presidential survey.
Naniniwala si Drilon na tanging si Roxas lamang ang makakapagpatuloy sa mga repormang nasimulan ng Pangulo.
Samantala, wala namang ideya si Drilon sa sinasabing dinner ng Pangulo kasama sina Roxas, Senadora Grace Poe at Senador Chiz Escudero.
By Ralph Obina