Ibinabala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tangkang pagri-railroad ng panukalang charter change (Chacha) sa Kamara De Representantes.
Ayon kay Drilon, tila nais palabasin ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin na kayang amiyendahan ng House of Representative ang konstitusyon mag-isa.
Iginiit ni Drilon, dapat tandaan ni Garbin na bicameral ang kongreso ng Pilipinas kaya hindi uubrang i-convene bilang constituent assembly ng house committee on constitutional ang kanilang sarili nang walang naipapasang resolusyon sa Senado at kamara.
Aniya, malinaw ang isinasaad ng konstitusyon na maaari lamang i-convene ang kongreso sa pamamagitan ng three-fourth votes ng lahat ng miyembro ng Senado at House of Representatives sa magkahiwalay na botohan.
Kaugnay nito, tiniyak ni Drilon na mahigpit nilang tutulan ang isinusulong na ChaCha ng kamara lalo na’t sa round pa lamang ay nagkakadayaan na.