Pinag-iingat ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibitaw ng mga nakababahalang pahayag sa harap ng publiko na maaaring magdulot ng takot at tensyon.
Ito’y matapos ihayag ng Pangulo na hindi siya mangingiming magdeklara ng batas militar, oras na lumala pa ang problema sa illegal na droga.
Giit ni Drilon, ang simpleng pagtalakay sa Martial Law ay sapat na para magdulot ng pangamba sa publiko kaya’t hindi ito dapat binabalewala .
Aniya, kung nagiging maingat lang ang Pangulo sa mga sinasabi nito, hindi na kailangang magsagawa ng paglilinaw ang Palasyo na kung minsan ay humahantong pa sa paninisi sa media.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno