Dapat munang tutukan at asikasuhin ang trabaho bilang senador dahil mayroong tamang panahon para mangampanya.
Ito ang panawagan ni Senate President Franklin Drilon sa mga kapwa senador na sasabak sa 2016 elections sa pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy.
Iginiit ni Drilon na makabubuting tapusin muna nila ang trabaho sa senado bago atupagin ang kampanya lalo’t marami siyang mga kasamahan sa mataas na kapulungan na kakandidato.
Una ng nagpahayag ng pangamba ang pinuno ng senado na mahirapan silang makabuo ng chorum pagbalik ng sesyon sa November 13 gayong kailangan pa nilang aprubahan ang 2016 proposed national budget at Bangsamoro Basic Law (BBL).
Pinaka-maganda aniyang paraan ng kampanya ay kung patuloy nilang aasikasuhin ang kanilang trabaho.
Kabilang sa mga re-electionist bukod kay Drilon ay sina Senators TG Guingona, Ralph Recto, Serge Osmeña, Tito Sotto; mga vice presidentiable na sina Chiz Escudero; Bongbong Marcos, Alan Peter Cayetano; Gringo Honasan, Antonio Trillanes habang sasabak sa pagka-Pangulo si Grace Poe.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)