Itinanggi ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na panghihimasok sa hudikatura ang Senate Resolution sa quo warranto ruling ng Korte Suprema na nagpatalsik sa puwesto kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Drilon, desisyon na ng Korte Suprema kung diringgin o hindi ang resolution 738 na nananawagang pag-aralang muli ang naging ruling sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor-General Jose Calida.
Hindi naman aniya kinukwestyon ng mataas ng kapulungan ng Kongreso ang naging pasya ng Supreme Court bagkus ay nagbibigay lamang sila ng interpretasyon at hindi ito maituturing na panghihimasok.
Iyan po ay opinyon ng Senado, tama man o mali. Mayroong karapatan ang Senado na magbigay ng opinyon at araw araw ay ginagawa po namin ‘yun. Pahayag ni Drilon