Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Senate President Franklin Drilon na maipapasa sa Salary Standardization Law 4.
Sa kabila ito ng deadlock sa isinagawang bicameral conference sa Kongreso at sa pangambang i-veto ito ng Pangulong Noynoy Aquino.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Drilon na umaasa siyang maipapasa sa Kongreso ang SSL bago mag-adjourn sa Miyerkules at gagawin aniya niya ang lahat upang maaprubahan ito ng Pangulo.
“Maa-approve po yan, sa amin ma-aaprove po. hindi ko masabi ang Pangulo pero gagawin ko ang lahat ng aking magagawa para mag-recommend kay Pangulo na aprubahan po ito.” Pahayag ni Drilon.
By Meann Tanbio