Bagamat nirerespeto ni Senate President Franklin Drilon ang pag-veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa isinusulong na SSS pension hike, hindi ito makahahadlang sa kanila sa pagpapasa ng mga kritikal na panukala.
Ayon kay Drilon, isa sa mga bumoto sa nabanggit na panukalang batas, maaaring magkasalungat ang kanilang opinyon sa Pangulo sa nabanggit na bill.
Pero, umaasa aniya siya na humahanap ng ibang alternatibo ang Palasyo kung paano matutulungan ang mga pensioners nang hindi makokompromiso ang financial viability ng SSS.
Iginiit ni Drilon na nasa prerogative ng Pangulo ang mag-veto dahil bahagi ito ng sistema ng check and balance at ito’y kritikal na bahagi ng ating demokrasya.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)