Inihayag ni Senate President Franklin Drilon na hindi lamang 44 ang nasawi sa madugong engkwentro sa Mamasapano Maguindanao noong isang taon.
Ito’y ayon kay Drilon ay dahil sa ika-45 casualty dito aniya ay ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ginawa ni Drilon ang pahayag bilang pagsuko sa pagsusulong sa BBL kasunod ng pag-amin na wala na silang oras para maipasa pa ang nasabing panukala.
Gayunman, nilinaw ni Drilon na hindi dapat sisihin ang mga mambabatas sa pagkakabulilyaso ng pagpasa sa BBL dahil ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya ngunit nadiskaril ito nang pumutok ang pangyayari sa Mamasapano noong isang taon.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)