Binigyang diin ni Senate President Franklin Drilon ang kahalagahan ng voters education kaugnay ng nalalapit na 2016 Presidential elections.
Ayon kay Drilon, mahalaga ang kaalaman lalo na ng mga bagong botante sa paparating na halalan dahil sa nakasalalay aniya rito ang kinabukasan ng bansa.
Sinabi ni Drilon na huwag dapat magpadala sa mga salita ng kung sinu-sino, sa halip ay suriin aniya ng husto ang mga humaharap na kandidato at tignan ang kanilang integridad.
Dahil dito, hinimok ni Drilon ang mga Non-Government Organization (NGOs) at iba pang grupo na makilahok at pangunahan ang voters education.
By Ralph Obina