Siniguro ni Senate President Franklin Drilon na walang mangyayaring balasahan sa senado para lamang maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito ay kasunod ng pagbubulgar ni Senator Bongbong Marcos na hiniling umano ni Pangulong Noynoy Aquino na palitan sya bilang Chairman ng Senate Local Government Committee.
Sinabi ni Marcos, nakatanggap sya ng text mula kay Drilon kung saan tinitiyak nito na walang balak ang liderato ng senado na magsagawa ng reorganization.
Dahil dito, sinabi ni Marcos na wala nang magiging balakid upang ipagpatuloy ang kanyang pagbalangkas sa commitee report ukol sa BBL na nakatakdang talakayin sa plenaryo sa pagbabalik sesyon nito sa Hulyo 27.
By Rianne Briones