Iginiit ni Senador Franklin Drilon na ang pahayag ng isang lider ng bansa ay dapat laging sineseryoso.
Ito’y kasunod ng panghihikayat ng mga kaalyado at tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag seryosohin ang naging pahayag nito ukol sa kasalanan niyang EJK o extra judicial killings.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Drilon hindi magandang pakinggan sa isang tagapagsalita ng Pangulo na sabihin na huwag seryosohin ang sinasabi ng presidente.
Nakakalungkot naman ito lang atang presidential spokesperson sa buong mundo who keeps on telling us na huwag niyong seryosohin ang Pangulo. We should always take the statements of our leaders seriously. Pahayag ni Drilon
Giit ni Drilon hindi ordinaryong mamamayan o senador ang presidente para hindi paniwalaan o seryosohin ang binibitawan niyang mga pahayag.
Ang Pangulo ay hindi pangkaraniwang mamamayan, he is the leader of 105 million Filipinos kaya we take his statements very seriously and it is wrong for a spokesperson na sabihin na huwag seryosohin ang Pangulo. Dagdag ni Drilon
Una rito, dinepensahan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag ng Pangulo ukol sa EJK.