Hinimok ng lokal na pamahalaan ng Manila ang mga residente nito na samantalahin ang drive-thru COVID vaccination and testing program bago matapos sa Hunyo 7.
Ayon sa Manila Public Information Office (MPIO), umabot sa 85,000 indibidwal ang nabakunahan nang magsimula ang programa noong Enero 13.
Pinaalalahanan naman ng naturang lungsod ang mga residente nito na nais magpabakuna at mga motorista na maaari silang magtungo sa kartilya ng katipunan shrine malapit sa Manila City hall gayundin ang may mga sasakyan na magpunta sa Quirino Grandstand.