Inilunsad ng Philippine Pediatric Society ang “drive-thru” vaccination para sa mga batang hindi makapunta sa ospital dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dr. Andrew Vicencio ng Philippine Pediatric Society, magiging kasunduan naman sa pagitan ng magulang at ng isang doktor ang serbisyo ng drive thru station.
Paliwanag ni Vicencio, hindi naman kasi aniya lahat ng doktor ay magbibigay ng ganitong klaseng serbisyo sa kaniyang mga pasyente.
Ngunit sila umanong mga nasa private doctors ay nais makahanap ng paraan para maipagpatuloy ang kanilang serbisyo lalo’t kung sila ay may mga inaalagaang pasyente.
Gayunman, nilinaw ni Vicencio na available lamang ang ganitong serbisyo para sa emergency cases.