Nakatikim ng sermon mula kay Manila Mayor Isko Moreno ang tsuper ng SUV na kumaladkad at nanuntok sa isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau nitong Sabado.
Personal na pinuntahan ni Moreno sa Manila Police District (MPD) Station 3 si Orlando Ricardo Dizon Jr. kung saan, sinabi nito na walang puwang sa Lungsod ng Maynila ang mga katulad niya.
Hindi kinagat ng alkalde ang alibi ni Dizon na nataranta lang siya kaya’t nakaladkad nito ang traffic enforcer na si Adrian Lim na nagresulta sa pagkakasugat nito.
Kwento ni Lim, sinita niya si Dizon dahil sa paglabag nito sa batas trapiko nang ipagwalang bahala nito ang isang lane marking subalit sa halip na magpahuli ay hinarurot pa ni Dizon ang minamaneho niyang sasakyan.
Kasunod nito, umapela si Yorme Isko sa Land Transportation Office (LTO) na bawian ng lisyensya si Dizon para hindi na makapagmaneho.