Ikinakasa na ng Cavite Provincial Police Office ang patumpatong na kaso laban sa mga armadong motoristang naka-engkuwentro ng PNP Highway Patrol Team sa Manila – Cavite City road nitong Biyernes.
Ayon kay Cavite Provincial Director P/Col. Marlon Santos, case closed na nasabing usapin makaraang mapatay ang suspek na si Methosael Cebrian nang una nitong paputukan ang mga miyembro ng HPG.
Kasong murder at dalawang patong na frustrated murder ang isasampa ng Cavite PNP laban sa driver ng pinahinto at sinitang sasakyan na kinilalang si Raymond Zuniega.
Sinabi ni Ramos na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumulutang si zuniega sa kabila ng pangako ng misis nito na isusuko niya ang kaniyang asawa.
Habang hindi pa rin narerekober ang kuwesyunableng sasakyan na ginamit ng mga suspek sa engkuwentro na nagresulta naman sa pagkasawi ni P/Cmsgt. Julius Arcalas.
Kasama ni Arcalas sa operasyon sina P/Capt. Eduardo Guadamor, P/Ssgt. Emerson Domingo kung saan, sugatan naman ang sibilyan na si Eduardo Magbana na nagtamo ng tama ng ligaw na bala.