Pinatawan ng indirect contempt ng Quezon City Metropolitan Trial Court ang dating driver bodyguard ni Senador Leila De Lima na si Ronnie Dayan.
Ito ay dahil sa bigong pag testigo ni Dayan sa kasong ‘Disobedience to Summons’.
Si Dayan sana ay gagamitin ng prosecution na testigo para lumakas ang reklamo laban kay De Lima.
Subalit iginiit ng kampo ni Dayan na hindi siya magbibigay ng testimonya kontra kay De Lima dahil pareho lamang silang akusado sa naturang complaint na inihain nina dating house speaker Pantaleon Alvarez at Congressmen Rodolfo Fariñas at Reynaldo Umali.
Itinakda sa Mayo 15 ang susunod na pagdinig sa kaso.
(with report from Jill Resontoc)