Target ng House Committee on justice na mapaharap sa susunod nitong hearing sa October 5 sa isyu ng illegal drug trade sa NBP ang dating driver ni Senador Leila de Lima
Ayon kay Committee chair Reynaldo Umali hinihintay nila ang pag apruba ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa subpoena na ipapadala nila kay Ronnie Dayan ngayong linggo
Magugunitang lumutang sa dalawang pagdinig ng Kamara ang pagtanggap ni Dayan ng 10 Million Pesos na dinala nina NBI Deputy Director Rafael Ragos at Joevencio Alben, Jr. Sa bahay ni De Lima sa dalawang pagkakataon
Sinabi ni Umali na kapag hindi tumalima sa subpoena si Dayan ay iisyuhan na nila ito ng arrest warrant
By: Judith Larino