Kakaunti lang umano ang mababago sa bilang ng mga pasahero sa jeep at bus pagsapit ng ECQ sa Metro Manila.
Ito ang sagot ng DOTr nang tanungin kung may matatanggap na ayuda ang mga driver at operators na maaapektuhan ng ECQ.
Ayon kay transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., kung may magbabago man sa dami ng pasahero, kakaunti lang ito dahil papayagan namang makalabas ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Iginiit din ni Tuazon na marami ang industriya na papayagan pa rin na makapag-operate habang ECQ sa Metro Manila.
Kasabay nito, ipinabatid ni Tuazon na plano ng DOTr at LTFRB na magkaroon muli ng libreng sakay ang Edsa carousel bus.