Tiniyak ng Land Transportation Office na libre ang Comprehensive Driver’s Education program o CDE bilang mandato ng bagong batas sa mga drayber na magrerenew ng lisensya.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, naglalaman ang CDE ng mga module na layong paalalahanan ang mga nagmamaneho kung paano manatiling ligtas sa kalsada.
Aniya, dapat na aralin ng mga drayber na magrerenew ng lisensya ang nasabing module at maipasa ang evaluation test upang makuha ang kanilang CDE Certificate of Completion.
Matatandaang sa ilalim ng RA 10930 ng LTO, layunin nitong siguraduhin na ang lahat ng drayber ay may kaalaman sa traffic laws at safe driving practices upang mabawasan ang aksidete sa daan.—sa panulat ni Airiam Sancho