Nakatakdang mag-isyu ang pamahalaan ng driver’s license cards na may limang taong validity simula sa susunod na buwan.
Ito ang kinumpirma ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
Ayon sa kalihim, unang ilalabas ang five-year driver’s license sa Metro Manila sa Setyembre.
Kasabay nito, sinabi ni Tugade na plano ng gobyerno na magpatupad ng online renewal ng driver’s license para sa mga kukuha nito na walang violation.
By Meann Tanbio