Kinansela na ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng motoristang sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City.
Kinilala ang motorista na si Jose San Vicente.
Ayon sa inilabas na pahayag ng LTO, 90 araw na isasailalim ang lisensya ni San Vicente sa preventive suspension.
Batay rin sa beripikasyon ng LTO, mayroon nang record si San Vicente ng tatlong apprehensions for reckless driving noong 2010, 2015, at 2016.
Nakita din na responsable ito sa kasong reckless driving at paglabag sa Section 55 ng Republic Act 4136 nang abandonahin nito ang biktima sa nabanggit na insidente.
Matatandaang noong June 5 ng mag-viral ang video ni San Vicente sa pagbangga sa isang security guard na nagmamando ng trapiko malapit sa isang mall.