Palalawigin na sa Lima mula sa kasalukuyang Tatlong taon ang validity ng mga ilalabas na driver’s license sa Metro Manila simula sa buwan ng Oktubre
Ito’y ayon sa Department of transportation ay bilang pagtalima sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang kauna-unahang state of the nation address o SONA
Una na rito, may inihain na ring panukalang batas si Senador Ralph Recto na nagpapalawig sa validity ng mga driver’s license sa buong bansa
Nakasaad din sa panukala ang pag-aalis sa red tape upang mapabilis ang proseso sa mga dokumentong kinukuha ng mga mamamayan sa gubyerno
By: Jaymark Dagala