Nananatiling valid ang driver’s license, conductor’s license at student permit ng mga may edad 60 hanggang 65 at 17 hanggang 21 anyos na napaso sa gitna ng community quarantine.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko kasabay ng pagpapaalala hinggil sa panuntuna para sa aplikasyon ng student permit, driver’s at conductor’s license.
Ayon kay Roque, pinalawig hanggang December 31, 2020 ang validity ng mga naturang permit at lisensiya na napaso sa panahong may umiiral na restriksyon sa ilang menor de edad at señor citizens.
Paliwanag ni Roque, layunin nitong maiwasan ang pagdagsa ng mga aplikanteng magpaparenew ng kanilang mga student permit, driver’s license at conductor’s license.
Dagdag ng kalihim, hindi rin papatawan ng multa ang late renewal ng lisensiya ng mga may edad 60 hangga 65.
Samantala, pinalawig naman hanggang October 31 ang renewal ng registration ng mga sasakyang may plate numbers na nagtatapos sa 6, 7, at 8 na pag-aari ng mga indibiduwal na kasama sa nabanggit na age group.
Habang hanggang December 31 naman ang mga sasakyang may plate numbers na nagtatapos sa 9 at 0.