Mariing itinanggi ng China Foreign Ministry ang mga reklamo mula sa Taiwan hinggil sa umano’y panghaharass ng mga Chinese drones sa Taiwanese-Controlled Islands.
Nabatid na tinawag ng Taipei ang Bejing na “nothing more than thieves” o wala nang magnanakaw na mas hihigit pa sa ginagawa ng Chinese government sa kanilang bansa.
Matatandaang una nang nagkasa ang China ng war games at military drills malapit sa Taiwan ngayon lamang buwan, matapos ang naging pagbisita ni us House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan strait dahilan para sunud-sunod ang naging pangungulit ng China sakanilang bansa kabilang na ang pagpapalipad ng drones.
Dahil dito, kumalat sa Chinese social media platforms ang video mula sa dalawang drone missions, kung saan ang isa dito ay makikita ang mga sundalo ng Taiwan na nagtatapon ng mga bato para maitaboy ang nasabing drones.
Samantala, iginiit naman ni Chinese Foreign Minister Spokesperson Zhao Lijian na nakita niya ang footage, at sinabing lumilipad lamang ang mga drones ng kanilang bansa sa loob ng Chinese territory.