Posibleng magkaroon ng cartel sa mga produktong agrikultura tulad ng bigas, baboy, manok, sibuyas at bawang.
Ito ayon kay AGAP partylist Rep. Nick Briones ay dahil sa sobrang pag-iimport kapag nagkaroon ng kakulangan sa suplay dahilan naman para bumaha ang suplay at bumagsak ang presyo ng lokal na produkto.
Binanggit din sa DWIZ ni Briones na isinusulong nila ang batas kung saan, mapupunta ang pondong makukuha mula sa taripa ng smuggled products ay ibibigay sa mga kaukulang sektor.
Sinabi pa ni Briones, na dapat pondohan ang Anti-Smuggling Task-Force para paigtingin ang paghuli sa mga kawatan na nagpupuslit ng Agri-products. —sa panulat ni Hannah Oledan