Ibinasura ng Department of Justice ang drug charges na inihain ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP Anti-Illegal Drugs Group laban kay Marine Colonel Ferdinand Marcelino.
Sa ipinalabas na resolusyon ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva bilang head ng task force anti illegal drugs ng DOJ, hindi nakitaan ng probable cause ang reklamong inihain ng PDEA at PNP-AIDG laban kay Marcelino at PDEA Chinese interpreter Yan Yi Shou.
Matatandaang inaresto ang dalawa sa operasyon na ikinasa ng mga otoridad sa Felix Huertas Street sa Sta. Cruz, Maynila noong Enero ng taong kasalukuyan kung saan nadiskubre ang Clandestine Shabu laboratory.
Si Marcelino ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 11 at 26 ng Republic Act Number 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ibinasura rin ng DOJ ang kasong paglabag sa COMELEC gunban at illegal possession of firearms na isinampa ng PNP-AIDG laban kay Marcelino.
By: Meann Tanbio