IPINAG-UTOS ng Korte Suprema ang agarang pagpapalaya sa isang drug convict dahil sa hindi nasunod ng mga pulis ang ‘chain of custody’ rule sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ang akusadong si Maricel Medina ay nahulihan ng dalawang sachets ng umano’y shabu noong April 2016 sa Quezon City.
Ngunit natuklasan na walang miyembro ng media o kinatawan mula sa Department of Justice o DOJ nang isalang sa inventory at kunan ng larawan ang ebidensya laban kay Medina.
Dahil dito, ipinag-utos ng Supreme Court sa pamunuan ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City na palayain ang naturang akusado.