Patay ang isang drug courier habang sugatan ang isang pulis sa pamamaril sa isinagawang buy bust operation sa Zamboanga City.
Kinilala ang suspek na si Puruti Taraji, kilala rin bilang bosing habang ang nabaril na pulis ay si Patrolman Ronevil Batal.
Nakuha sa suspek ang apat na kilo ng shabu na nasa mga kahon ng green tea na tinatayang nasa mahigit sa 27 milyong piso at isang 9-MM caliber na baril.
Nagtamo ng sugat sa ulo si Batal at isinugod sa pinakamalapit na ospital upang malapatan ng lunas. —sa panulat ni Kim Gomez