Inirekomenda ni Manila Police Distric (MPD) Station Commander Amante Daro, ang pagsibak kay Juan Luna Police Community Precint Head Luis Bisik.
Ito ay makaraang madiskubre sa ginawang clearing operations sa Juan Luna at Sta. Elena sa Divisoria ang isang drug den sa ilalim ng tulay.
Ikinagalit ni Daro ang natuklasang drug den, lalo na at nasa dulo lang ng tulay ang istasyon ng pulis.
Nabatid sa operasyon na ang mga silid sa ilalim ng tulay ay pinarerentahan ng may-ari ng drug den na si Robert Regio sa mga nais humithit ng shabu.
Nakuha sa lugar ang iba’t ibang drug paraphernalia.
By Katrina Valle