Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isa umanong drug den sa Marikina City kung saan ginagamit ang bata bilang runner.
Ayon kay PDEA NCR Chief Adrian Alvarino, naaresto ang walong suspek kabilang na ang pangunahing target na si Grace Ducta, drug den operator at nasabat dito ang walumput anim na libong halaga ng iligal na droga.
Ang naturang drug den aniya ay matatawag na isang one-stop shop kung saan ang kanilang modus operandi ay mga bata ang ginagawa nilang runner.
Mariing itinanggi naman ng mga suspek ang kanilang pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Ngunit sa isang surveillance video mula sa PDEA makikita umano ang pagre-repack ng mga nahuling suspek habang makikita rin ang pagtanggap ng mga bata ng pera mula sa mga customer nito.